13. Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga,makikigalak pati mga binata't matatanda;ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.
14. Bubusugin ko ng pinakamainam na pagkain ang mga pari,at masisiyahan ang buong bayan sa kasaganaang aking ibibigay.”Ito ang sabi ni Yahweh.
15. Sinabi ni Yahweh:“Narinig sa Rama ang isang tinig—panaghoy at mapait na pagtangistinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila.”
16. Sinasabi ni Yahweh:“Itigil na ninyo ang inyong pag-iyak,huwag na kayong lumuha;sapagkat gagantimpalaan ang inyong mga ginawa,babalik sila mula sa lupain ng kaaway.