11. Ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo.Lilipulin ko ang lahat ng bansang pinagkalatan ko sa inyo;subalit kayo'y hindi malilipol.Paparusahan ko kayo nang marapat,ngunit ako'y magiging makatarungan sa inyo.”
12. Ito ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan:“Wala nang lunas ang iyong sakit,malalâ na ang iyong sugat.
13. Walang mag-aalaga sa iyo,walang kagamutan sa iyong sugat;wala ka nang pag-asang gumaling pa.
14. Nilimot ka na ng lahat mong mangingibig;wala na silang malasakit sa iyo.Sinaktan kita, gaya ng isang kaaway,buong lupit kitang pinarusahan;sapagkat matindi ang iyong kasamaanat napakarami mong kasalanan.
15. Huwag ka nang umiyak dahil sa iyong sakit;wala nang lunas ang sugat mo.Ginawa ko ito sa iyosapagkat matindi ang iyong kasamaanat napakarami mong kasalanan.