Isaias 9:14-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Kaya sa loob lamang ng isang araw ay paparusahan ni Yahweh ang mga pinuno't mamamayan ng Israel;para silang hayop na pinutulan ng ulo't buntot.

15. Ang ulo'y ang matatandang pinuno na iginagalang,at ang buntot nama'y mga propetang bulaan.

16. Iniligaw ng kanilang mga pinuno ang bayang itokaya ang mga tagasunod nila ay nagkakagulo.

17. Dahil dito, hindi kinalugdan ng Panginoon ang kanilang mga kabataang lalaki,hindi niya kinahabagan ang kanilang mga ulila at biyuda.Lahat sila'y walang kinikilalang diyos at masasama;pawang kahangalan ang kanilang sinasabi.Sa lahat ng ito'y hindi mawawala ang matindi niyang galit,patuloy niyang paparusahan ang bayang Israel.

Isaias 9