Isaias 44:24-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

24. “Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo:Ako ang lumikha ng lahat ng bagay.Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan,at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.

25. Aking binibigo ang mga sinungaling na propetaat ang mga manghuhula;ang mga marurunong ay ginagawang mangmang,at ang dunong nila'y ginawang kahangalan.

26. Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap,at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad;ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem,muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda.

27. Isang utos ko lamang, natutuyo ang karagatan.

Isaias 44