Isaias 30:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi ni Yahweh,“Kawawa ang mga suwail na anak,na ang ginagawa'y hindi ayon sa aking kalooban;nakikipagkaisa sila sa iba nang labag sa aking kagustuhan,palala nang palala ang kanilang kasalanan.

2. Nagmamadali silang pumunta sa Egiptoupang humingi ng tulong sa Faraon;ngunit hindi man lamang sila sumangguni sa akin.

3. Mabibigo lamang kayo sa hinahangad ninyong tulong,at kahihiyan lamang ang idudulot ng inaasahan ninyong proteksyon.

Isaias 30