19. Ang nalulungkot ay muling liligaya sa piling ni Yahweh,at pupurihin ng mga dukha ang Banal na Diyos ng Israel.
20. Sapagkat mawawala na ang malupit at mapang-api,gayon din ang lahat ng mahilig sa kasamaan.
21. Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri,mga sinungaling na saksiat mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.
22. Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, ang tumubos kay Abraham,tungkol sa sambahayan ni Jacob:“Wala nang dapat ikahiya o ikatakot man,ang bayang ito mula ngayon.