Isaias 27:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Hindi na ako galit sa aking ubasan,ngunit sa sandaling may makita akong mga tinik,ang mga ito'y titipunin koat saka susunugin.

5. Ngunit kung nais nilang sila'y aking ingatan,ang dapat nilang gawin, makipagkasundo sa akin.

6. Darating ang araw na mag-uugat ang lahi ni Jacob,mamumulaklak ang Israel, magbubunga ng maramiat mapupuno ang buong daigdig.

7. Pinarusahan ba ng Diyos ang Israel gaya ng ginawa sa mga kaaway nito?Pinatay ba niya ang mga Israelita tulad ng ginawa sa pumaslang sa kanila?

8. Hinayaan ni Yahweh na mabihag ang kanyang bayan bilang parusa;tinangay sila ng malakas na hangin buhat sa silangan.

Isaias 27