5. At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono,at uupo doon ang isang hahatol nang tapat;magmumula siya sa angkan ni David,isang tagapamahalang makatarungan,at mabilis sa paggawa ng matuwid.
6. Sasabihin ng mga taga-Juda:“Nabalitaan namin ang kataasan ng mga taga-Moab,ang kanilang kasinungalingan at pandaraya,ngunit walang saysay ang kanilang kayabangan.”
7. Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod,sama-sama silang mananaghoydahil sa kanilang paghihirap,sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset.
8. Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon,at ang mga ubasan sa Sibma,na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa.Ubasang abot sa Jazerhanggang sa disyerto,at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat.