Isaias 16:3-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Sasabihin nila sa mga taga-Juda:“Sabihin ninyo sa amin ang aming gagawin;at bigyan ng katarungan;takpan ninyo kami, tulad ng lilim ng punongkahoykapag katanghaliang-tapat,papagpahingahin ninyo kamisa ilalim ng inyong mayayabong na sanga.Itago ninyo kami sa mga humahabol sa amin;kami'y mga takas, huwag ninyo kaming ibigay sa kanila.

4. Patirahin ninyo kami sa inyong bayan,kaming mga pinalayas sa Moab.Ingatan ninyo kamisa nagnanais na pumatay sa amin.”At lilipas ang pag-uusig,mawawala ang mamumuksa,at aalis ang nananalanta sa lupain.

5. At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono,at uupo doon ang isang hahatol nang tapat;magmumula siya sa angkan ni David,isang tagapamahalang makatarungan,at mabilis sa paggawa ng matuwid.

Isaias 16