Isaias 14:26-29 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

26. Ito ang gagawin ko sa buong daigdig,paparusahan ko na ang lahat ng bansa.”

27. Sino ang tututol sa pasya ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat?Sino ang pipigil sa kanyang pagpaparusa?

28. Ang mensaheng ito'y nahayag noong taóng mamatay si Haring Ahaz.

29. Huwag mo munang ipagdiwang, bayang Filistia,ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo,sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong,at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.

Isaias 14