1. Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito:“Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan,sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon,nawala na ang galit mo ngayon, at ako'y iyong inaliw.
2. Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan,sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot,sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan,siya ang aking tagapagligtas.