3. Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon,at ng asno kung saan siya pinapakain ng kanyang amo;ngunit hindi ako nakikilala ng Israel,hindi ako nauunawaan ng aking bayan.”
4. Bansang makasalanan,mga taong puno ng kasamaan,mga anak ng masasamang tao,mga anak ng katiwalian!Itinakwil ninyo si Yahweh,nilait ang Banal na Diyos ng Israelat pagkatapos ay tinalikuran ninyo siya.
5. Bakit patuloy kayong naghihimagsik?Nais ba ninyong laging pinaparusahan?Ang isip ninyo'y gulung-gulo,ang damdamin ninyo'y nanlulumo.
6. Kayo'y punô ng karamdaman mula ulo hanggang paa;katawan ninyo'y tadtad ng pasa, latay, at dumudugong sugat.Ang mga ito'y nagnanaknak na at wala pang benda,at wala man lamang gamot na mailagay.