Hosea 5:5-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya.Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan;at kasama niyang matitisod ang Juda.

6. Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at bakaupang hanapin si Yahweh,subalit siya'y hindi nila matatagpuan;lumayo na siya sa kanila.

7. Naging taksil sila kay Yahweh;kaya't nagkaanak sila sa labas.Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan.

8. “Hipan ang tambuli sa Gibea!Hipan ang trumpeta sa Rama!Ibigay ang hudyat sa Beth-aven!Nasa likuran mo na sila, Benjamin!

Hosea 5