3. Ngayon nama'y sasabihin nila,“Wala kaming hari,sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh.Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?”
4. Puro siya salita ngunit walang gawa;puro pangako ngunit laging napapako;ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan,at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain.
5. Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samariadahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven.Ipagluluksa ito ng sambayanan;mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan,dahil sa naglaho nitong kaningningan.
6. Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiriabilang kaloob sa dakilang hari.Mapapahiya ang Efraim,at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos.