Habakuk 3:17-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Bagama't di namumunga ang puno ng igosat hindi rin namumunga ang mga ubas,kahit na maantala ang pamumunga ng oliboat walang anihin sa mga bukirin,kahit na mamatay lahat ang mga tupaat mawala ang mga baka sa kulungan,

18. magagalak pa rin ako at magsasaya,dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin.

19. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas.Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang,inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.

Habakuk 3