Habakuk 1:6-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Papalakarin ko sa kapangyarihan ang mga taga-Babilonia—ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan.Sinasalakay nila ang lahat ng dako ng daigdigupang sakupin ang lupaing hindi kanila.

7. Naghahasik sila ng takot at sindak;ipinagmamapuri nila na sila mismo ang batas.

8. Ang mga kabayo nila'y mas mabibilis kaysa mga leopardo,mas mababangis kaysa mga asong-gubat pagsapit ng gabi.Ang kanilang mga mangangabayo ay rumaragasa mula sa malalayong lupain;para silang mga agila na dumadagit sa kanilang biktima.

Habakuk 1