Genesis 31:45-48 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

45. Naglagay si Jacob ng isang bato bilang isang alaala.

46. Sinabi niya sa kanyang mga tauhan na maglagay rin doon ng bato. Pagkatapos, kumain sila sa tabi ng bunton ng mga bato.

47. Ito'y tinawag ni Laban na Jegar-sahaduta, at Gal-ed naman ang itinawag doon ni Jacob,

48. sapagkat sinabi ni Laban, “Ang buntong ito ng mga bato ang tagapagpaalala ng kasunduan nating dalawa.”

Genesis 31