Exodo 27:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Gumawa ka rin ng parilyang tanso, at ang bawat sulok nito ay kabitan mo ng isang argolyang tanso na siyang bitbitan,

5. at ikabit mo ang parilya sa ilalim ng tuntungan ng altar.

6. Gumawa rin kayo ng pampasan na yari sa punong akasya at babalutin din ng tanso.

7. Isuot mo ang mga ito sa mga argolya ng altar kung ito'y kailangang buhatin.

8. Kaya nga't ang altar na gagawin mo ay may guwang sa gitna, ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.

Exodo 27