Exodo 25:32-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

32. Lalagyan mo ito ng anim na sanga, tatlo sa magkabila.

33. Bawat sanga'y lagyan mo ng tatlong magagandang bulaklak na parang almendra, may usbong at may talulot.

34. Ang tangkay naman ay lagyan mo rin ng apat na bulaklak na tulad ng nasa sanga.

35. Lalagyan mo ng usbong sa ilalim ng mga sanga, isa sa ilalim ng bawat dalawang sanga.

Exodo 25