9. Kung ang babae nama'y binili para sa anak ng amo, ituturing siya nito na parang tunay na anak.
10. At kung mag-asawa ng iba ang lalaki, ang babae ay patuloy na bibigyan ng kanyang pagkain, damit at patuloy na sisipingan ng kanyang asawang lalaki.
11. Kapag hindi tinupad ng lalaki ang tatlong bagay na ito, dapat palayain ang babae nang hindi na kailangang tubusin.
12. “Sinumang manakit at makapatay sa kanyang kapwa ay dapat ring patayin.
13. Ngunit kung hindi sinadya o binalak ang pagpatay at ito'y hinayaang mangyari ng Diyos, ang nakamatay ay maaaring magtago sa lugar na itatakda ko sa ganitong pangyayari.
14. Ngunit kung ang pagpatay ay sinasadya, darakpin ang pumatay at papatayin kahit magtago pa siya sa aking altar.
15. “Sinumang magbuhat ng kamay sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.
16. “Sinumang dumukot ng kapwa upang ipagbili o alipinin ay dapat patayin.
17. “Sinumang magmura sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.
20. “Kapag sinaktan ng isang tao ang kanyang alipin, maging babae o lalaki, at ito'y namatay noon din, paparusahan ang taong iyon.
21. Ngunit kung ang alipin ay mabuhay ng isa o dalawang araw, hindi paparusahan ang amo sapagkat kanyang ari-arian ang alipin.
22. “Kung ang nag-aaway ay makasakit ng nagdadalang-tao at dahil doo'y nakunan ito, ngunit walang ibang pinsala, ang nakasakit ay magbabayad ng halagang hihingin ng asawa ng babae ayon sa kapasyahan ng mga hukom.
23. Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, paparusahan ang nakasakit: buhay din ang kabayaran sa buhay,
24. mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa,
25. sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos.
26. “Kapag pinalo ng amo ang kanyang alipin, lalaki o babae, at ito'y nabulag, palalayain niya ang aliping iyon bilang kabayaran sa mata nito.