Exodo 21:14-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Ngunit kung ang pagpatay ay sinasadya, darakpin ang pumatay at papatayin kahit magtago pa siya sa aking altar.

15. “Sinumang magbuhat ng kamay sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.

16. “Sinumang dumukot ng kapwa upang ipagbili o alipinin ay dapat patayin.

17. “Sinumang magmura sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.

18-19. “Ang manuntok o mamukpok ng bato sa pag-aaway ay hindi paparusahan kung ang sinuntok o pinukpok ay hindi namatay at muling nakalakad kahit nakatungkod. Ngunit kung ang sinuntok o pinukpok ay maratay, siya ay aalagaan ng nanakit at babayaran pa ang panahong hindi niya naipagtrabaho.

20. “Kapag sinaktan ng isang tao ang kanyang alipin, maging babae o lalaki, at ito'y namatay noon din, paparusahan ang taong iyon.

21. Ngunit kung ang alipin ay mabuhay ng isa o dalawang araw, hindi paparusahan ang amo sapagkat kanyang ari-arian ang alipin.

Exodo 21