Ecclesiastico 9:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Huwag kang magseselos sa asawa mong pinakamamahal;lalo mo lamang siyang tuturuan kung paano ka niya pasasakitan.

2. Huwag kang pailalim sa kapangyarihan ng sinumang babaehanggang sa ikaw ay lubusang alipinin niya.

3. Huwag kang makikipagtagpo sa asawa ng iba,baka ka masilo sa mga bitag niya.

4. Huwag kang magbabad sa piling ng mga babaing mang-aaliwat baka mahulog ka sa kanilang mga patibong.

5. Huwag kang tingin nang tingin sa isang dalaga,baka ka magkamali at mapagmulta nang dahil sa kanya.

6. Huwag kang magpakahibang sa mga babaing bayaran,kung hindi mo ibig maubos ang iyong kabuhayan.

Ecclesiastico 9