Ecclesiastico 7:13-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Huwag kang magsisinungaling kailanman,sapagkat walang kabutihang maidudulot ang ugaling iyan.

14. Sa kapulungan ng matatanda, huwag kang madaldal;sa iyong pananalangin, huwag kang paulit-ulit ng walang katuturan.

15. Huwag mong kainisan ang pagsasaka at paggawang nakakapagal,sapagkat iyan ay gawang itinakda ng Kataas-taasang Diyos.

Ecclesiastico 7