Ecclesiastico 49:9-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Binanggit din niya si Job,ang lalaking nanatili sa landas ng katuwiran.

10. Tungkol naman sa labindalawang propeta,nawa'y muling manariwa ang buto nila sa libingan.Sapagkat dahil sa kanilang pananampalataya at pag-asa,inaliw nila at pinalakas ang loob ng bansang Israel.

11. Paano natin mapaparangalan nang sapat si Zerubabel?Siya'y naging parang singsing na pantatak sa daliri ng Panginoon,

12. at gayundin si Josue na anak ni Jozadak.Noong panahon nila muling ibinangon ang Templo.Ipinagtayo nila ang Panginoon ng isang tahananna nakatalagang maging maluwalhati magpakailanman.

13. Kailangan ding alalahanin at parangalan si Nehemias;siya ang muling nagbangon ng ating mga guhong muog;siya ang naglagay ng mga pinto at tarangka niyonat nagtayo ng ating mga tahanan.

Ecclesiastico 49