Ecclesiastico 49:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Parang mabangong insenso ang pangalan ni Josias,insenso na tinimpla ng mahusay na manggagawa ng pabango;parang pulot na kinawiwilihan ng lahat,parang malambing na tugtugin sa isang handaan.

2. Kinamuhian niya ang mga kasalanan ng bayan,at winasak ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.

3. Naging matatag ang kanyang katapatan sa Diyos,at nanatiling maka-Diyos sa mga panahon ng kasamaan.

Ecclesiastico 49