Ecclesiastico 46:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Josue na anak ni Nun ay isang magiting na mandirigma,siya ang kahalili ni Moises sa pagkapropeta.Pinatunayan niya ang isinasaad ng kanyang pangalan—naging tagapagligtas siya ng mga hinirang ng Diyos.Nilupig niya ang mga bansang lumaban sa kanila,at sinakop ang lupaing ipinangako sa Israel.

2. Kahanga-hanga siya nang kanyang hawakan ang tabakat iwasiwas iyon laban sa mga lunsod ng kaaway.

3. Walang makatagal ng pakikipaglaban sa kanyasapagkat ipinaglalaban niya ang Panginoon.

Ecclesiastico 46