Ecclesiastico 43:21-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Ang mga kabundukang sinalanta ng tag-araw,at ang mga halamanang nalanta sa init,

22. ay muli niyang pinananariwa pagpatak ng ulan;at ang init ay napapalitan ng hamog na nagbibigay-buhay.

23. Siya rin, sa kanyang karunungan, ang nagpatahimik sa kalaliman ng dagat,at nagpalitaw ng mga pulo sa gitna ng tubig.

24. Ang mga naglalakbay naman sa malawak na karagatan ang nagsasalaysay ng mga kagulat-gulat na panganib doon,tayo nama'y mamamangha sa pakikinig.

Ecclesiastico 43