Ecclesiastico 43:10-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Sa isang salita ng Diyos, lumilitaw sila sa pisngi ng langit,at walang pagod na nagbabantay sa buong magdamag.

11. Masdan ninyo ang bahaghari at purihin ang dito ay lumikha,kaakit-akit ang makulay niyang kagandahan.

12. Arko na nakaguhit sa kalawakan ng langit,hinubog ng mga daliri ng Poong Maykapal.

13. Sa utos ng Panginoon umuulan ng yeloat nagmamadali ang nag-aapoy na kidlat upang tupdin ang kanyang hatol.

14. Kapag binuksan niya ang kanyang imbakan,naglalabasan ang mga ulap na parang mga ibon.

Ecclesiastico 43