1. Igalang mo ang manggagamot nang marapat sa kanyang katungkulan,sapagkat ang Panginoon din ang nagtakda ng tungkuling iyan.
2. Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos,at ginagantimpalaan siya pati ng mga hari.
3. Dahil sa kanyang karunungan marangal siyang nakakaharap kaninuman,at iginagalang siya pati ng mga maykapangyarihan.