Ecclesiastico 36:10-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Durugin mo ang ulo ng mga prinsipeng naghihimagsik sa iyo,at nagsasabing, “Walang ibang maghahari kundi kami lamang.”

11. Tipunin mong lahat ang mga lipi ni Jacob,at ibalik mo sila sa lupaing ipinamana mo sa kanila noong una.

12. Kaawaan mo, Panginoon, ang bayang itinuturing na bayan mo,ang Israel na inari mong anak na panganay.

13. Kahabagan mo ang iyong banal na lunsod,ang Jerusalem na pinili mong tirahan.

14. Punuin mo ang Zion ng mga awit ng pagpupuri sa iyo,punuin mo ng iyong kaluwalhatian ang iyong banal na Templo.

15. Kilalanin mo ang iyong mga unang nilikha,tuparin mo ang mga pahayag na ginawa mo sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.

16. Pagpalain mo na ang mga umaasa sa iyo,patunayan mo, Panginoon, na mapagkakatiwalaan ang iyong mga propeta.

17. Ipagkaloob mo na ang idinadalangin ng iyong mga lingkod,nawa'y manaog na sa bayan mo ang pagpapala ni Aaron.Sa gayo'y malalaman ng lahat ng tao sa sanlibutanna ikaw nga ang Panginoon, ang Diyos na walang hanggan.

18. Lahat ng uri ng pagkain ay maaaring kainin,ngunit may pagkaing mas masarap kaysa iba.

19. Kung paanong nalalasap ng dila ang lasa ng pagkain;nahahalata naman ng matalino ang kasinungalingan.

Ecclesiastico 36