5. sapagkat ang paghahandog na ito ay itinatagubilin ng Kautusan.
6. Kapag ang taong matuwid ay nag-alay ng kanyang handog,ang bango ng taba na sinusunog sa dambana ay pumapailanlang hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan.
7. Kinalulugdan ng Panginoon ang handog sa kanya ng taong matuwid,ito'y isang alaala na hindi niya malilimutan.
8. Parangalan mo ang Panginoon nang buong katapatan,at huwag mong panghinayangan ang mga unang bungang inihahandog mo sa kanya.
9. Ialay mo ang iyong handog nang may ngiti sa mga labi,at magbigay ka ng ikasampung bahagi nang may galak sa puso.
10. Maghandog ka sa Panginoon nang buong puso,maging bukás-palad ka sa kanya, gaya ng ginawa niya sa iyo.
11. Ang Panginoon ay masagana kung gumanti,gagantihan ka niya nang makapitong beses.
12. Huwag mong susuhulan ang Panginoon sapagkat di siya tumatanggap ng suhol,huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan.Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,wala siyang itinatanging sinuman.
13. Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap,sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi.
14. Lagi niyang dinirinig ang daing ng ulila,at ang pagsusumamo ng biyudang nagsasaysay ng nangyari sa kanya.
15. Ang luhang dumadaloy sa pisngi ng baloay sumisigaw laban sa taong naging dahilan ng kanyang pagluha.
16. Kinalulugdan ng Diyos ang naglilingkod sa kanya nang buong puso,ang panalangin nito'y agad nakakaabot sa langit.