Ecclesiastico 34:8-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Hindi kailangan ang mga ito sa pagtupad ng Kautusan,sapat na ang Karunungang itinuturo ng mga tapat.

9. Maraming nalalaman ang taong nakapaglakbay,at makahulugan ang sinasabi ng isang may malawak na karanasan.

10. Ang di pa nakaranas na maglakbay ay walang gaanong nalalaman,ngunit ang nakapaglakbay sa maraming lupain ay nakababatid ng maraming bagay.

11. Marami akong nakita sa aking mga paglalakbay,at ang mga natutuhan ko roon ay di ko kayang isalaysay.

12. Malimit akong nabingit sa kamatayan,ngunit nakaligtas ako dahil sa aking mga karanasan.

13. Matibay ang pag-asa ng mga may paggalang sa Panginoon,sapagkat ang pinananaligan nila'y may kapangyarihang magligtas sa kanila.

14. Ang may paggalang sa Panginoon ay walang kinatatakutan,hindi siya magiging duwag sapagkat nananalig siya sa Panginoon.

15. Mapapalad ang mga taong may paggalang sa Panginoonsapagkat alam nila kung kanino hihingi ng tulong.

16. Ang paningin ng Panginoon ay nakatuon sa mga umiibig sa kanya,siya'y matibay na sanggalang at alalay.Siya ang umaalalay sa kanila nang di sila matisod o kaya'y bumagsak.

17. Siya ang nagpapasigla sa kanilang kalooban, nagpapaningning sa kanilang mga mata,nagbibigay ng ganap na kalusugan,siya ang batis ng buhay at lahat ng pagpapala.

18. Isang paglait sa Diyos ang pag-aalay ng handog kung ito ay kinuha sa masamang paraan.Ang handog ng makasalanan ay di karapat-dapat.

19. Hindi kinalulugdan ng kataas-taasan ang alay ng makasalanan,at ang pagpapatawad niya'y hindi nakukuha sa dami ng handog.

20. Ang paghahandog sa Diyos ng ninakaw sa isang mahirap,ay parang pagpatay sa isang anak sa harap ng kanyang ama.

21. Sa isang maralita ang kaunting pagkain ay pantawid-buhay,ang magkait nito'y maituturing na isang pagpatay.

22. Kapag inalisan mo ng hanapbuhay ang isang tao, o kaya'y dinaya mo ang sahod ng isang kasama,para mo na rin silang kinitlan ng buhay.

23. Kung ang ginagawa ng isa ay ginigiba naman ng iba,ano ang kanilang mapapala kundi pagpapakahirap.

Ecclesiastico 34