Ecclesiastico 33:5-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Parang gulong ng kariton ang isipan ng mangmang,parang paikut-ikot na ehe ang kanyang pangangatuwiran.

6. Ang kaibigang mapanlibak ay parang kabayong haling,na kapag sinakyan ninuman ay humahalinghing.

7. Bakit may araw na itinuturing na higit kaysa iba,gayong iisa namang araw ang sumisikat sa buong isang taon?

8. Sapagkat may mga araw na itinangi ang Panginoon,nang itatag niya ang mga panahon at mga kapistahan.

9. May araw siyang pinagpala at pinabanal,at mayroon namang itinuring na pangkaraniwan.

10. Lahat ng tao ay mula sa alabok;sa alabok hinugis si Adan.

11. Ngunit sa di malirip na karunungan ng Panginoon, wala siyang ginawa na magkatulad;binigyan niya ang bawat isa ng kanyang tanging kalagayan.

12. Mayroon siyang pinagpala at pinadakila,mayroon siyang hinirang at itinalagang maglingkod sa kanya;at mayroon namang sinumpa, pinahiya, at pinalayas sa kanilang kinalalagyan.

13. Ang putik ay hinuhugisan ng magpapalayokayon sa kanyang maibigan.Gayundin naman, ang tao ay binibigyan ng Diyos ng kani-kaniyang kalagayan,ayon sa kanyang minamarapat.

14. Ang katapat ng masama ay ang mabuti,ang katapat ng kamatayan ay ang buhay,at ang katapat ng makasalanan ay ang taong maka-Diyos.

15. Ganyan nagmula sa kamay ng Lumikha ang lahat ng bagay:magkakatambal, ang isang bagay ay kabaligtaran ng ikalawa.

Ecclesiastico 33