Ecclesiastico 33:14-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Ang katapat ng masama ay ang mabuti,ang katapat ng kamatayan ay ang buhay,at ang katapat ng makasalanan ay ang taong maka-Diyos.

15. Ganyan nagmula sa kamay ng Lumikha ang lahat ng bagay:magkakatambal, ang isang bagay ay kabaligtaran ng ikalawa.

16. Ako ang kahuli-hulihang namitas ng ubas,wari'y namulot lamang ako pagkaraan ng mamimitas.Ngunit sa awa ng Panginoon, marami pa rin akong nakuha,at napuno ko pa rin ang aking mga pisaan, gaya ng mga naunang namitas.

Ecclesiastico 33