Ecclesiastico 32:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Huwag kang pangahas kung ang mga kasama mo'y nakakataas sa iyo,at huwag kang maingay kapag may ibang nagsasalita.

10. Katulad ng kidlat na nauuna sa kulog,ang kagandahang-asal ng isang tao ay nababalita na bago pa siya makilala.

11. Sa oras nang uwian, mamaalam ka na agad,at huwag ka nang magtatagal pa sa iyong pag-alis.Tumuloy ka na agad sa iyong tahanan.

12. Doon ka maaaring maglibang ayon sa gusto mo,huwag ka lang magkasala sa pagmamayabang.

Ecclesiastico 32