Ecclesiastico 32:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kapag ikaw ay nangangabisera sa isang handaan,huwag mong ipagmamayabang iyon;makiisa ka sa kilos ng ibang panauhin.At tingnan mo muna kung maayos na ang lahat bago ka maupo.

2. Kapag natupad mo na ang mga dapat mong gawin ay maupo ka na,at makipagsaya sa lahat ng dumalo.Sa gayon ay tatanggap ka ng papuri dahil sa iyong mahusay na pamamahala.

Ecclesiastico 32