Ecclesiastico 31:29-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan,ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.

30. Ang pagkalasing ay nagiging gatong sa galit ng hangal, na nagbubunsod sa kanya sa kapahamakan.Nakakabawas ng lakas at nakadaragdag ng mga sugat.

31. Huwag mong pagsasabihan ang isang tao sa oras ng inuman,huwag mo siyang hahamakin habang siya'y nagsasaya.Hindi iyon ang panahon ng pakikipagtalo,at paniningil ng pautang.

Ecclesiastico 31