5. Habang buháy siya sa daigdig, ang dulot ng anak ay kasiyahan,at pagsapit ng kamatayan, papanaw siyang walang agam-agam.
6. Ang iniwan niyang anak ang maghihiganti sa kanyang mga kaaway,at ito rin ang magbabayad ng utang na loob niya sa mga kaibigan.
7. Ang nagpapalayaw sa anak ay lubhang masasaktan,at magigimbal ang puso niya sa bawat daing.
8. Ang kabayong hilaw-sa-turo ay mahirap na pigilin,ang anak na pinalayaw ay mahirap na supilin.
9. Kapag pinalayaw mo ang anak, ikaw ang tatakutin;makipagbiro ka sa kanya at ikaw ang paluluhain.