7. Huwag mo munang pupurihin ang isang tao hanggang hindi nagsasalita,sapagkat doon mo pa makikilala ang tunay niyang puso't diwa.
8. Kung ang hangad mo'y katarungan, ito'y iyong makakamtan,at maisusuot mo pa ito, gaya ng mamahaling balabal.
9. Ang ibong magkakatulad, sama-sama sa hapunan;ang katapatan ay nagbubunga ng katapatan.
10. Ang kasalana'y naghihintay sa gumagawa ng masama,parang leong nag-aabang ng anumang masisila.
11. Ang pangungusap ng makadiyos ay palaging may katuturan,ngunit ang sinasabi ng hangal ay pabagu-bagong parang buwan.
12. Kapag ang kausap mo'y mga hangal, magmadali kang umalis;ngunit kapag marurunong, manatili kang nakikinig.
13. Masakit sa pandinig ang usapan ng mga hangal,wala na silang napapag-usapan kundi puro kalaswaan.
14. Nakakapanindig ng balahibo ang kanilang pagmumurahan;at kung sila'y nagtatalo, tainga ninyo'y inyong takpan.
15. Humahantong sa pagdanak ng dugo ang pag-aaway ng mga palalo.Nakakasakit pakinggan ang kanilang pagmumurahan.
16. Ang di marunong mag-ingat ng lihim ay hindi mapagkakatiwalaan,at hindi siya makakakita ng tunay na kaibigan.
17. Mahalin mo ang kaibigan mo at maging tapat ka sa kanya;ngunit kung naibunyag mo ang kanyang lihim, huwag ka nang lalapit sa kanya.
18. Sapagkat pinatay mo na ang inyong pagkakaibigan,gaya ng pagpatay ng isang tao sa kanyang kaaway.