19. Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.
20. Sapagkat ang pag-alala ninyo sa akinay matamis pa kaysa pulot na galing sa bahay-pukyutan.
21. Kainin ninyo ako't inumin,at hihingi pa uli kayo.
22. Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”
23-24. Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.
25. Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.