15. Humalimuyak ang aking bango tulad ng kanela,gaya ng balsamo at mamahaling mira,tulad ng galbano, astakte o onica,parang usok ng insenso na pumapailanlang sa tahanang banal.
16. Yumabong ang aking mga sanga gaya ng ensina,madadahon at magaganda.
17-18. Tulad ng punong-ubas, nakatutuwa ang aking mga usbong;at ang bulaklak ko'y namunga ng dangal at kayamanan.
19. Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.
20. Sapagkat ang pag-alala ninyo sa akinay matamis pa kaysa pulot na galing sa bahay-pukyutan.
21. Kainin ninyo ako't inumin,at hihingi pa uli kayo.
22. Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”