1. Ito ang papuri na isinalaysay ng Karunungan tungkol sa kanyang sarili,
2. sa kapulungan ng Kataas-taasang Diyos, ipapahayag niya,sa harap ng mga anghel magpupuri siya.
3. “Nanggaling ako sa bibig ng Kataas-taasang Diyos,at parang ulap na lumukob ako sa ibabaw ng lupa.
4. Ang tahanan ko'y nasa kaitaasan,at ang luklukan ko'y nasa ibabaw ng isang haliging ulap.
5. Nag-iisa akong naglibot sa kalangitanat naglakad sa pusod ng kalaliman,
6. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang tubig sa karagatan,ang buong daigdig at ang lahat ng mga bansa at lahi.
17-18. Tulad ng punong-ubas, nakatutuwa ang aking mga usbong;at ang bulaklak ko'y namunga ng dangal at kayamanan.
23-24. Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.