Ecclesiastico 21:5-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Dinidinig agad ng Panginoon ang daing ng maralita,at agad na ibinibigay ang katarungan.

6. Landas ng makasalanan ang tinutunton ng ayaw tumanggap ng pangaral,ngunit ang may paggalang sa Panginoon ay nagsisisi nang buong puso.

7. Bantog sa lahat ng dako ang taong magaling magsalita,ngunit halata agad siya ng marunong kapag nagkamali.

8. Ang nagpapatayo ng bahay sa pamamagitan ng salaping inutang,ay parang nag-iipon ng bato para sa sariling libingan.

Ecclesiastico 21