Ecclesiastico 21:20-21-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Ang paglabag sa batas ay parang tabak na magkabila'y talim,ang masugatan nito'y wala nang paggaling.

4. Ang palalo at mayabang ay mawawalan ng kayamanan;aalisin ito sa kanya ng paggalang at karahasan.

5. Dinidinig agad ng Panginoon ang daing ng maralita,at agad na ibinibigay ang katarungan.

6. Landas ng makasalanan ang tinutunton ng ayaw tumanggap ng pangaral,ngunit ang may paggalang sa Panginoon ay nagsisisi nang buong puso.

7. Bantog sa lahat ng dako ang taong magaling magsalita,ngunit halata agad siya ng marunong kapag nagkamali.

8. Ang nagpapatayo ng bahay sa pamamagitan ng salaping inutang,ay parang nag-iipon ng bato para sa sariling libingan.

9. Ang kalipunan ng masamang tao ay parang bunton ng kusot,hindi magtatagal at ito'y magliliyab.

20-21. Ngunit para sa matalino, ang pag-aaral ay isang gintong hiyas,isang pulseras na nakasuot sa kanyang bisig.Ang hangal, kung matuwa'y humahalakhak,ngunit ang marunong ay mahinhing ngumingiti lamang kung hinihingi ng pagkakataon.

22. Ang hangal ay kaagad sumusugod na papasok sa isang bahay,ngunit ang may karanasan ay mapitagang naghihintay sa labas.

23. Ang lapastangan ay sumisilip sa loob ng bahay mula sa pintuan,ngunit ang may magandang asal ay naghihintay muna sa labas ng bahay.

24. Labag sa kagandahang-asal ang makinig sa kabila ng pinto,mahihiyang gumawa nang gayon ang taong matino.

25. Walang ginagawa ang madaldal kundi ipamalita ang bawat marinig,ngunit tinitimbang muna ng marunong ang bawat sasabihin.

26. Sinasabi ng hangal ang bawat maisipan,ngunit ang marunong ay nag-iisip muna bago magsalita.

27. Kapag sinumpa ng makasalanan ang kanyang kaaway,para na ring sinumpa niya ang kanyang sarili.

28. Dinudungisan ng madaldal ang sariling pangalan,at kinapopootan siya ng mga kapitbahay.

Ecclesiastico 21