1. Anak, kung nais mong maglingkod sa Panginoon,humanda ka sa mga pagsubok.
2. Maging tapat ka at magpakatatag,huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian.
3. Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kanya,upang ikaw ay parangalan sa katapusan ng iyong buhay.
4. Tanggapin ang anumang ipagkaloob niya sa iyo,tiisin mo ang kabiguan kahit ano ang mangyari.
5. Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy,ang banal ay sinusubok ng Panginoon sa apoy ng paghamak.
6. Magtiwala ka at tutulungan ka niya,mamuhay ka sa katuwiran at umasa sa kanya.