22. Hindi tunay na Karunungan ang katalinuhan sa gawang masama,at walang mabuting ibubunga ang payo ng masasamang tao.
23. Mayroong karunungang karumal-dumal,at mayroon namang nag-aasal hangal dahil sa kanilang kamangmangan.
24. Mabuti pa ang kakaunti ang nalalaman ngunit may takot sa Diyos,kaysa napakarunong ngunit lumalabag sa Kautusan.
25. May katalinuhang ginagamit sa paglabag sa katarungan,at may mga taong nanlilinlang makamtan lamang ang ninanais.
26. May taong nakayuko at kunwa'y nagdadalamhati,ngunit ang totoo'y masama ang binabalak.
27. Nakapaling ang mukha at kunwa'y hindi nakakarinig,ngunit kapag walang nakakapansin, pagsasamantalahan ka.
28. Kung sa tingin niya'y hindi ka pa niya kaya ngayon, hindi ka niya gagawan ng anuman;ngunit sa unang pagkakataon, pagsasamantalahan ka niya.
29. Makikilala mo ang isang tao sa kanyang anyo,at mahahalata agad ang marunong sa una ninyong pagkikita.
30. Sa kanyang pananamit nakikilala siya,sa kanyang pagtawa at sa kanyang paglakad.