26. Gaano karaming pagbabago ang nagaganap sa maghapon?Ganyan kabilis magbago ang lahat ng bagay sa harap ng Panginoon.
27. Ang marunong ay maingat sa lahat ng bagay,at lalong nangingilag madungisan kapag lumulubha ang panganib na magkasala.
28. Ang matalinong tao'y madaling makakilala ng karunungan,at iginagalang niya ang sinumang nag-aangkin nito.
29. Ang nakakaunawa ng mga kasabihan ay maibibilang na rin sa marurunong,at ang mga pangungusap niya'y magiging batis ng karunungan.
30. Huwag kang padadala sa masasama mong hilig,bagkus pigilan mo ang iyong mga pagnanasa.
31. Kapag sinunod mo ang iyong masasamang hilig,pagtatawanan ka ng iyong mga kaaway.
32. Huwag kang mawili sa panandaliang aliwna ang ibinubunga'y ibayong paghihirap.