Ecclesiastico 18:23-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. Bago ka gumawa ng panata, ihanda mo muna ang sarili;huwag mong tularan ang tumutukso sa Panginoon.

24. Isipin mo: Gusto mo bang magalit siya sa iyo sa oras ng kamatayan?Kapag hahatulan ka na niya, nais mo bang talikuran ka niya?

25. Alalahanin mo ang gutom kapag ikaw ay nasa kasaganaan,isipin mo ang karukhaan at pangangailangan sa panahong ikaw ay mayaman.

Ecclesiastico 18