3. Pinagkalooban niya sila ng kalakasang tulad ng sa kanya,at ginawa silang kawangis niya.
6. Binigyan niya ang tao ng dila, mga mata at tainga,at kapangyarihang mag-isip at magpasya.
7. Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan,at tinuruang kumilala ng mabuti at masama.
20-21. Hindi maitatago sa kanya ang kanilang kasamaan,at nakikita niya ang lahat nilang kasalanan.
22. Parang singsing na pantatak sa paningin ng Panginoon ang pagkakawanggawa ng tao,pinahahalagahan niyang parang balintataw ng kanyang mga mata ang kanilang kabutihang asal.
23. Darating ang araw na siya'y maghihiganti laban sa masasama,at babagsak sa kanila ang parusang nararapat sa kanila.
24. Ngunit lagi niyang tinatanggap ang nagbabalik-loob,at inaaliw ang nawawalan ng pag-asa.
25. Iwan mo na ang kasalana't lumapit ka sa Panginoon,magsumamo ka sa kanya at mapapawi ang iyong sala.