Ecclesiastico 14:18-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Tayong mga tao ay parang mga dahon ng isang malagong punongkahoy,habang may nalalaglag ay mayroong umuusbong;mayroon sa ating namamatay at mayroon namang isinisilang.

19. Masisirang lahat ang ginawa ng kamay ng tao,at pati ang may gawa ay kasama nilang maglalaho.

20. Mapalad ka, O tao, kung binubulay mo ang Karunungan,at nangangatuwiran ka nang may katalinuhan.

21. Mapalad ka kung pinag-aaralan mo ang kanyang mga tuntunin,at sinasaliksik ang kanyang mga lihim.

Ecclesiastico 14